Monday, January 20, 2025

Php578K halaga ng shabu, nasamsam sa dalawang High Value Individuals ng Pampanga PNP

Mahigit Php578,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng Pampanga PNP at arestado ang dalawang High Value Individual sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Calulut, City of San Fernando, Pampanga nito lamang Lunes, ika-21 ng Oktubre 2024.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Roy Augustus F Calulot, Chief ng San Fernando City Police Station, ang mga suspek na sila alyas “Rick”, 27 taong gulang at alyas “Mic”, 18 taong gulang, parehong residente ng nasabing lugar.

Naging matagumpay ang ikinasang buy-bust operation ng Station Drug Enforcement Unit ng San Fernando City Police Station matapos marekober sa mga suspek ang limang piraso ng heat-sealed plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may bigat na humugit kumulang 85 gramo na nagkakahalaga ng Php578,000, drug-bust money, itim na pouch, cellphone at susi ng motor.

Ang mga suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.

Ang Pampanga PNP ay patuloy na nananawagan sa mga mamamayan na makipagtulungan at maging mapagmatyag laban sa anumang kahina-hinalang aktibidad sa kanilang komunidad. Mahalaga ang kanilang impormasyon at kooperasyon upang mapagtagumpayan ang laban kontra ilegal na droga at mapanatili ang kaligtasan ng pamayanan.

Panulat ni Patrolwoman Jilly Peña

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,330SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles