Palo, Leyte (February 14, 2022) – Pinangunahan ni PBGen Bernard Banac, Regional Director, PRO 8 ang paglulunsad ng e-Konsulta ha Pulis 8 (Free Online Medical, Legal and Psychosocial Consultation para sa RFU 8 at PRO 8 Personnel) at paglagda ng Memorandum of Understanding noong Pebrero 14, 2022 sa Matapat Board Room, PRO 8, Palo, Leyte.
Dumalo sa nasabing aktibidad sina Atty. Masmin Cristy S. Avila-Bibar, Presidente ng IBP Leyte Chapter; PCol Edwin Balles, Provincial Director, Leyte PPO; PCol Alex Bragat, Regional Chief, Regional Medical and Dental Unit 8; Dr. Ronald B Madera, Chairman RAGPTD RFU 8; Rev. Gamaliel Aliposa, Pastor, Bless Our Cops; at PCol Isidro Cariño, Regional Chief, Regional Forensics Unit 8.
Ang layunin ng proyektong ito ay para mapabilis ang pagtugon sa mga pangangailangan, isyu o problema sa medikal, legal at psychosocial sa pamamagitan ng online consultation para sa mga kapulisan ng Eastern Visayas kasama ang kanilang mga pamilya.
###
Puso at malasakit ganyan talaga lagi ang PNP laging maaasahan s lahat ng oras