Nakahanda na sa posibleng maging epekto ng bagyong Kristine ang mga kapulisan sa Police Regional Office 2, sa pangunguna ng Regional Mobile Force Battalion 2, sa pamumuno ni PLtCol Virgilio Vi-Con Abellera Jr, Acting Force Commander, bilang bahagi ng mandato sa pagtiyak sa kaligtasan ng mga mamamayan nitong Miyerkules, ika-23 ng Oktubre 2024.
Nagsagawa ng imbentaryo ng kagamitan na may kinalaman sa Search and Rescue, at Showdown Inspection sa mga miyembro ng RMFB 2 Reactionary Standby Support Force mula sa Battalion Headquarters at anim na kumpanya nito upang matiyak ang kahandaan kung sakaling madeploy ano mang oras kung kinakailangan.
Ito ay alinsunod sa pagtalima sa patnubay ni CPNP PGen Rommel Rancisco D Marbil na “Sa Bagong Pilipinas ang Gustong Pulis Ligtas Ka!”.
Laging handa ang kapulisan sa anumang kalamidad upang magbigay ng serbisyo at tulong sa mamamayan anumang oras o suliranin.
Source: RMFB 2
Panulat ni Pat Jerilyn Colico