Himas rehas ang isang seaman sa kasong paglabag sa RA 9292 matapos ang isinagawang Manhunt Charlie Operation ng Iligan PNP sa Barangay Hinaplanon, Iligan City nito lamang ika-21 ng Oktubre 2024.
Kinilala ang suspek ng mga taga tracker team sa pangunguna ni Police Captain Reiner R Escalante, Officer-In-Charge, Iligan City Police Station 1, ang suspek na si alyas “Rodi”, 50 anyos, lalaki, may asawa, isang seaman at residente ng nasabing lugar.
Bandang 9:00 ng umaga ng isinagawa ang operasyon na nagresulta ng pagkakahuli ng suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9292 o “Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004”.
Patunay lamang ito na hindi titigil ang PNP sa paghuli sa mga wanted persons para maging ligtas ang nakasasakupang komunidad lalong-lalo na ang mga kababaihan at kabataaan.
Panulat ni Patrolwoman Danessa B Berdos