Boluntaryong nagbalik-loob sa pamahalaan ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa mga otoridad sa Barangay Dumalian, San Miguel, Zamboanga del Sur nito lamang ika- 18 ng Oktubre 2024.
Kinilala ni Police Captain Louis F Arquiza, Acting Chief of Police ng San Miguel Municipal Police Station, ang sumuko na si alyas “Toto”, 36 anyos at residente ng Purok 6 Barangay Dumalian, San Miguel, Zamboanga del Sur.
Ang sumuko ay miyembro ng HOM/BRC MRGU sa ilalim ng GF KARA WMRPC at Salabukan No’k Gtaw Subanen sa ilalalim ng UGMO Revolutionary Organization ng Lumad (ROL) ng RUC, WMRPC.
Sa ilalim ng programa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na naglalayong sugpuin ang insurhensiya, ang Pambansang Pulisya ay patuloy na hinihikayat ang mga natitira pang miyembro at tagasuporta ng CTG na magbalik-loob sa pamahalaan at samantalahin ang programa nitong E-CLIP o Enhanced Comprehensive Local Integration Program at magkaisa tungo sa isang Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Joyce Franco