Nagsagawa ang mga tauhan ng Alegria Municipal Police Station ng isang Information Drive kaugnay sa B.I.D.A. (Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan) Program sa Barangay Poblacion, Alegria, Surigao Del Norte bandang 8:30 ng umaga nito lamang ika-19 ng Oktubre 2024.
Pinangunahan ni Police Executive Master Sergeant Butch Ayaton, sa ilalim ng pamumuno ni Police Captain Bassel D. Monteroso, Acting Chief of Police, ang nasabing aktibidad kasabay ng 2nd Semester Assembly Day CY 2024 ng lokal na pamahalaan, kung saan tinalakay ang mga programa at proyekto para sa ikabubuti ng komunidad.
Kabilang sa isinagawa ay ang pagbibigay ng impormasyon kaugnay sa BIDA Program, Peace and Order situation updates, at ang mahigpit na pagpapatupad ng curfew hours sa barangay.
Layunin ng aktibidad na ito na palakasin ang kamalayan ng mga residente sa mga isyu ng droga at seguridad upang makamit ang mas mapayapang kapaligiran sa nasabing barangay.
Patuloy ang Surigao Del Norte PNP sa pagbibigay ng mahahalagang impormasyon upang bumuo ng mas matibay na ugnayan sa pagitan ng mga ahensya ng gobyerno at mga residente tungo sa isang maayos at ligtas na Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Karen Mallillin