Arestado ang isang wanted person na may kasong Rape sa Oplan Manhunt Charlie ng mga tauhan ng 1st Pangasinan Provincial Mobile Force Company at Quirino Municipal Police Station sa Barangay Luna, Quirino, Isabela nito lamang ika-16 ng Oktubre 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Leonard C. Paredes, Force Commander ng 1st Pangasinan PMFC, ang suspek na si Augusto Pidlaoan Mamongay, 50 taong gulang, walang trabaho, residente ng Barangay Matusalem, Roxas, Isabela.
Naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Rape na walang inirekomendang piyansa.
Ayon kay PLtCol Pareded, agad na inabisuhan ng pulisya si Mamongay tungkol sa kanyang mga karapatan sa salitang kanyang naiintindihan. Kasunod nito, siya ay dinala sa Manuel A. Roxas District Hospital para sa isang medikal na pagsusuri.
Ang pagkakaaresto sa suspek ay isang patunay ng patuloy na pagsisikap ng mga awtoridad na panagutin ang mga lumalabag sa batas, lalo na sa mga kasong kinasasangkutan ng mga mabibigat na krimen tulad ng rape.
Source: 1st Pangasinan PMFC