Boluntaryong sumuko ang isang dating miyembro ng Komite sa Larangang Gerilya 1 (KLG1) at People’s Organizing Committee (POC) sa himpilan ng 304th Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 3 sa Barangay San Jose, Mayantoc, Tarlac nito lamang ika-15 ng Oktubre 2024.
Kilala ni Police Major Genesis L Magangat, Company Commander ng 304th Maneuver Company ng RMFB 3, ang sumuko na si alyas “Ka Tarucsan”, 58 taong gulang, may asawa, magsasaka, at residente ng Pedro L. Quines, Mayantoc, Tarlac.
Isinuko rin nito ang isang yunit ng 40mm high explosive.
Patuloy ang PNP sa paghikayat sa iba pang mga kasapi ng makakaliwang grupo na magbalik-loob at makipagtulungan tungo sa mas tahimik at maunlad na pamayanan.