Boluntaryong nagbalik-loob sa pamahalaan ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group sa Barangay Urdaneta, Lavezares, Northern Samar nito lamang Oktubre 15, 2024.
Kinilala ni Police Captain Mark Mhon T Amistoso, Officer-In-Charge ng 804th Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 8, ang nagbalik-loob na si alyas “Alie”, 39 anyos, magsasaka na residente ng Barangay Veriato, San Isidro, Northern Samar at miyembro ng Yunit Militia ng SRGU, SRC, EMPORIUM, EVRPC.
Ang pagbabalik-loob ay resulta ng matagumpay na pagsisikap at panawagan ng mga tauhan ng 804th Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 8.
Samantala, nakatanggap naman ang nagbalik-loob ng agarang tulong pinansyal mula sa mga kapulisan.
Ang nasabing sumuko ay nasa kustodiya na ng 804th Maneuver Company, RMFB 8 para sa facilitation ng kaniyang posibleng enrollment sa programa ng ating gobyerno na Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP.
Muling hinimok ng PNP ang iba pang mga miyembro at tagasuporta ng CTGs na iwaksi ang maling ideolohiya at magbalik-loob sa pamahalaan upang makasama ang kanilang mga mahal sa buhay at mamuhay ng payapa.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian