Nasabat ang Php2.2 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo sa buy-bust operation ng pinagsanib pwersa ng mga tauhan ng RID 4A/RSOU 4A, RSOU 4A at Calatagan MPS sa Sitio Ermitanio, Barangay Biga, Calatagan, Batangas dakong alas-2:30 ng hapon ng ika-15 ng Oktubre 2024.
Kinilala ni Police Major John Conrad A Villanueva, Officer-In-Charge ng Calatagan MPS, ang suspek na si alyas “Alwin”, 48 taong gulang, binata at residente ng Barangay Biga, Calatagan, Batangas.
Ang operasyon ay nagresulta sa pagkakaaresto ng nasabing suspek at pagkakakumpiska ng isang Php1,000 na buy-bust money, 31 pirasong boodle money (Php1000 bill bawat isa), 142 kahon ng umano’y smuggled na sigarilyo (52 boxes ng D&J at 90 boxes ng Bosqu) na ikinategorya bilang mga ipinagbabawal ayon sa BIR na may halaga na Php2,212,000.
Nasa kostudiya na ngayon ng Calatagan MPS ang suspek para sa dokumentasyon at pagproseso sa kaso nitong paglabag sa Seksyon 144, 262 at 263 ng National Internal Revenue Code (NIRC) (Cigarette Smuggling).
Patuloy ang kapulisan sa pagsugpo ng kriminalidad sa ating bansa at pagtugis sa sino mang nagkasala sa batas. Sa masusing imbestigasyon at pagtutulungan ng mga awtoridad, nagpapatunay lamang ito na iisa lang ang hangarin ng ating kapulisan, ang maging ligtas ang bawat mamamayan.
Source: Calatagan MPS
Panulat ni Pat Maria Sarah P Bernales