Kusang sumuko sa mga otoridad ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa Sitio Sucao, Barangay Domenglay, Licuan-Baay, Abra noong Oktubre 14, 2024.
Ayon kay Police Colonel Jeremias G Oyawon, Provincial Director ng Abra Police Provincial Office, matagumpay ang pagsuko sa pangunguna ng 1st Abra Provincial Mobile Force Company, katuwang ang Cluster 7, Licuan-Baay Municipal Police Station, Provincial Intelligence Unit/Drug Enforcement Unit, Regional Intelligence Unit-14, at Regional Mobile Force Battalion 15 1504th Maneuver Company.
Ang sumuko ay miyembro ng Agustin Begnalen Command na sumuko sa programa na Dumanon Makitungtung” (come to talk to villagers).
Patuloy ang PNP sa pagsiguro ng kaligtasan ng bawat mamamayan, tuldukan ang terorismo, kriminalidad at insurhensiya na balakid sa pagkamit ng kapayapaan at kaunlaran ng ating bansa.