Arestado ng mga tauhan ng Las Piñas City Police Warrant & Subpoena Section at Station Intelligence Section ang tinaguriang No. 8 Most Wanted Person sa Station Level sa kasong paglabag sa RA 9165 nito lamang Biyernes, Oktubre 11, 2024 dakong 6:30 ng gabi sa Barangay CAA, Las Piñas City.
Nakilala ni Police Colonel Sandro Jay DC Tafalla, Chief of Police ng Las Piñas City Police Station, ang suspek na si alyas “Kim”, 25 anyos.
Inihain sa suspek ang Warrant of Arrest para sa paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Ang Pambansang Pulisya ay hindi titigil sa pagsagawa ng operasyon para sa mga indibidwal na may pananagutan sa batas upang mapanagot ang mga may sala sa batas.
Source: SPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos