Arestado ang dalawang Chinese Nationals sa agarang aksyon ng mga tauhan ng Pasay City Police Station matapos magreklamo ang biktima ng pagnanakaw at pananakit laban sa dalawang suspek nito lamang Oktubre 10, 2024.
Kinilala ni Police Colonel Samuel Pabonita, Chief of Police ng Pasay City Police Station, ang mga suspek na sina alyas “Zheng”, 26, lalaki, at alyas “Shuang”, 37, babae.
Nadakip ang mga suspek matapos iulat ng biktimang si alyas “Lyu”, 38 anyos, babae, Chinese National na siya ay sapilitang hinila sa silid, ninakawan ng baril, at sekswal na sinaktan ni Jian.
Matapos makatakas, humingi ng tulong si Lyu sa Sub-station 1 ng Pasay City Police Station.
Naganap ang insidente makaraang pumayag ang biktima na makipagkita kay alyas “Shuang” sa isang hotel sa Pasay City upang palitan ang kanyang Chinese Yuan sa pera ng Pilipinas.
Narekober ng pulisya ang isang Taurus Caliber .40 na may limang bala at isang magasin, at isang Caliber .25 na may pitong bala.
Patuloy naman tinutugis ang dalawa pang suspek na nakatakas na kinilalang sina alyas “Ahsiu”, at alyas “Tian”, kapwa Chinese Nationals.
Sinampahan na ng reklamo para sa Robbery with Rape at paglabag sa Republic Act 10591 ang mga suspek.
Pinuri ni Police Brigadier General Bernard R Yang, District Director, ang Pasay City Police sa kanilang agarang aksyon. “Ang mabilis at mapagpasyang operasyong ito ay binibigyang-diin ang aming pangako sa pagtiyak ng kaligtasan at seguridad ng aming komunidad”.
Source: SPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos