Arestado ang isang estudyante sa isinagawang joint buy-bust operation ng Regional Police Drug Enforcement Unit 10 at mga operatiba ng Maramag Municipal Police Station sa Barangay South Poblacion, Maramag, Bukidnon nito lamang ika-10 ng Setyembre 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Bryan Panganiban, Officer-In-Charge ng Maramag MPS, ang drug suspek na si alyas “Merah”, babae, 25 taong gulang, estudyante, at residente ng Barangay Muslim Village, Wao, Lanao del Sur.
Sa ikinasang buy-bust operation ay nagresulta ng pagkakakumpiska ng mga pakete ng hinihinalang shabu na may 200 na gramo at may Standard Drug Price na Php270,000 at iba pang mga non-drug items.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Ang Pambansang Pulisya ay hindi titigil sa pagpapaigting kontra ilegal na droga para sa seguridad at kaligtasan ng komunidad.