Boluntaryong nagbalik-loob sa pamahalaan ang tatlong miyembro ng Communist Terrorist Group sa Barangay 8, Poblacion, Pambujan, Northern Samar nito lamang Oktubre 12, 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Edwin M Oloan Jr., Force Commander ng 2nd Northern Samar Provincial Mobile Force Company, ang mga nagbalik-loob na sina alyas “Brando”, 25 anyos, estudyante at residente ng Barangay Inanahawan, Pambujan, Northern Samar; alyas “Racel”, 19 anyos, magsasaka, residente naman ng Barangay 8, Poblacion, Pambujan, Northern Samar; at alyas “Mara”, 18 anyos, residente ng Barangay Giparayan de Turag, Silvino Lobos, Northern Samar na pawang mga miyembro ng FC1 SRC EMPORIUM (SRGU).
Ang pagbabalik-loob ay resulta ng matagumpay na pakikipagnegosasyon at pagsisikap ng mga tauhan ng 2nd Northern Samar Provincial Mobile Force Company, kasama ang 122 Special Action Company, 12 Special Action Battalion, PNP-SAF, 19 Infantry Battalion, Philippine Army at Pambujan Municipal Police Station.
Ang mga nasabing surrenderee ay nasa kustodiya ng 2nd Northern Samar PMFC para sa facilitation ng kanilang posibleng enrollment sa programa ng ating gobyerno na Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP.
Muling hinimok ng 2nd Northern Samar PMFC ang iba pang mga miyembro at tagasuporta ng CTGs na iwaksi na ang maling ideolohiya, magbalik-loob sa pamahalaan upang mamuhay ng payapa kasama ang kanilang mga mahal sa buhay at patuloy na sumuporta sa mga programa ng ating gobyerno.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian