Tinatayang Php2,400,000 halaga ng Fully Grown Marijuana Plants ang nadiskubre ng mga otoridad sa isinagawang marijuana eradication sa Sitio Alidngan, Kayapa, Bakun, Benguet nito lamang ika-10 ng Oktubre 2024.
Ayon kay Police Colonel Joseph P Bayongasan, Provincial Director ng Benguet Police Provincial Office, naging matagumpay ang operasyon sa pinagsanib na pwersa ng mga operatiba sa pangunguna ng Bakun Municipal Police Station, katuwang ang Provincial Intelligence Unit, Provincial Drug Enforcement Unit Benguet Police Provincial Office at Philippine Drug Enforcement Agency Cordillera.
Nagresulta ang operasyon sa pagkadiskubre ng isang plantasyon ng marijuana na tinatayang may sukat na 1,500 square meters at may nakatanim na mahigit kumulang na 12,000 piraso ng Fully Grown Marijuana Plants na nagkakahalaga ng Php2,400,000 Standard Drug Price.
Bagama’t walang nahuling cultivator, lahat ng nadiskubreng marijuana ay naidokumento at sinunog sa mismong lugar.
Ang matagumpay na operasyon ng Benguet PNP ay patunay na kaisa sa pagpapaigting ng kampanya kontra ilegal na droga bilang pagsuporta sa adhikain ng administrasyon para sa isang mas mapayapang Bagong Pilipinas.