Nagsagawa ng Community Outreach Program ang mga tauhan ng Pura Municipal Police Station sa mga Senior Citizen sa Barangay Poblacion 2, Pura, Tarlac nito lamang Huwebes, ika-10 ng Oktubre 2024.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni Police Major Joy P Turaray, Acting Chief of Police ng Pura Municipal Police Station.
Matagumpay ang aktibidad kung saan namahagi ng libreng food packs para sa mga senior citizen.
Layunin nito na matulungan ang ating mga kababayan patungkol sa usaping pangkalusugan at iba pang mga pangangailangan na tinututukan ng PNP tungo sa Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Digna Jane Tenorio Malubay