Monday, October 14, 2024

Baggao PNP, aktibong nakikiisa sa patuloy na Serbisyo Caravan

Patuloy ang aktibong pakikiisa ng mga kapulisan ng Baggao Police Station sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Osmundo Mamanao, hepe, sa pag-arangkada ng lingguhang Serbisyo Caravan na ginanap sa Carupian Elementary School, Barangay Carupian, Baggao, Cagayan noong ika-11 ng Oktubre 2024.

Higit-kumulang 400 pamilya ang naging benepisyaryo sa isinagawang 2nd wave ng serbisyo caravan sa naturang barangay sa pangunguna ng lokal na pamahalaan ng Baggao sa pamumuno ni Hon. Leonardo C Pattung, Alkalde at Hon. Rowel B Gazmen, Bise Alkalde na naglalayong ilapit ang mga serbisyo ng pamahalaan sa mga liblib na lugar.

Nagsagawa ng libreng gupit ang mga kapulisan at libreng tuli kasama ang mga empleyado ng Municipal Health Unit Baggao at mga volunteer workers.

Nagkaroon din ng libreng medical and dental services na pinilahan lalo na ng mga matatanda at may mga karamdaman.

Maliban dito, may pamamahagi din ng libreng bigas, libreng gamot at iba pang libreng serbisyo mula sa iba’t ibang municipal agencies ng bayan.

Samantala, binigyang diin ni PltCol Mamanao ang pakikipagtulungan ng mga residente ng barangay sa mga programa at aktibidad ng PNP at ng pamahalaan upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan ng kanilang bayan tungo sa mas maunlad na Baggao, Cagayan.

Naging katuwang sa lingguhang caravan sa munisipalidad ang mga tauhan ng Regional Mobile Force Company (RMFB) 2; 1st Cagayan Provincial Mobile Force Company (PMFC); 17th Infantry Battalion, Philippine Army (PA); Bureau of Fire Protection Baggao at DepEd.

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,280SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles