Sunday, October 13, 2024

Gabi ng Parangal at Pasasalamat, idinaos ng PCADG sa Camp Crame

Idinaos ng Police Community Affairs and Development Group (PCADG) ang Gabi ng Parangal at Pasasalamat sa Bulwagang Lapulapu, Camp BGen Rafael T Crame, Quezon City nito lamang gabi ng Biyernes, Oktubre 11, 2024.

Sa pangunguna ni Police Brigadier General Restituto B Arcanghel, Director ng PCADG at Command Group, ay binigyang pugay ang mga grupo at indibidwal na may mahalagang kontribusyon na magampanan ng PCADG ang mandato nito sa ating pamayanan.

Naging Guest of Honor and Speaker sa naturang seremonya si Mr. Philip Francisco U Dy, Executive Vice President ng Metrobank Foundation Incorporated.

Binigyang pugay ang mga stakeholders mula sa iba’t ibang rehiyon na naging kaagapay ng 17 Regional Police Community Affairs and Development Units (RPCADUs) upang maging epektibo at maging tulay na mas mapalapit sa komunidad ang mga iba’t ibang aktibidad ng pulisya upang labanan ang anumang uri ng terorismo, insurhensiya, at kriminalidad sa tulong at kooperasyon ng bawat mamamayan.

Kinilala din ang grupo at bawat indibidwal na may makabuluhang nakamit at kontribusyon upang mas maging epektibo ang gawain ng isang Police Community Relations and Development (PCAD) Specialist sa iba’t ibang larangan gamit ang social media, TRIP at websites, upang bigyang serbisyo ang komunidad.

Samantala, mas naging makulay ang selebrasyon sa mga pakulo tulad ng sayaw mula sa PNP Dance Team Elite na itinanghal bilang 1st Runner-Up sa kakatapos lamang na paligsahan ng PNP Uniformed Services League Cheer Dance Competition 2024, mga kanta mula naman sa PCADG Artist at marami pang iba.

Sa mensahe ni Mr. Dy, ipinapaabot nito ang kanyang pagbati sa lahat ng stakeholders at awardees. Iminungkahi nito na patuloy lamang gampanan ang trabaho para sa ikabubuti ng publiko at maging daan upang makamit ang kaayusan at kaunlaran ng ating bayan. Hangad din nito na mas maraming kapulisan ang kanyang aasahan na maging isa sa mga Metrobank Foundation Outstanding Filipinos-Police Officer Awardees dahil sa pagganap ng higit pa sa tawag ng serbisyo.

Panulat ni PSSg Gace Neville L Ortiz

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,280SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles