Aktibong lumahok ang mga tauhan ng Surigao del Norte Police Provincial Office sa dalawang araw na Community and Service-Oriented Policing Capability Enhancement Workshop na ginanap sa Provincial Governor’s Conference Room sa Surigao City nito lamang Oktubre 9, 2024.
Pinangunahan ni Police Colonel Nilo T. Texon, Officer-In-Charge ng Surigao del Norte PPO, ang nasabing aktibidad na inorganisa ng National Police Commission ng Rehiyon 13 na sama-samang nagsisikap upang bumuo ng matibay na ugnayan sa publiko.
Dumalo ang 42 Chief of Police at mga Police Non-Commissioned Officers (PNCO) mula sa Surigao del Norte, pati na rin ang 14 na Chief of Police at PNCO mula sa Dinagat Islands Police Provincial Office.
Layunin ng pagsasanay na talakayin ang mga estratehiya upang mapabuti ang papel ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas bilang pangunahing tagapagtaguyod ng kaligtasan at serbisyo upang tiyakin ang patuloy na pagiging epektibo sa mga komunidad na kanilang pinaglilingkuran.
Patuloy na pinapalakas ng Surigao PNP ang tiwala, transparency, at kooperasyon sa pagitan ng pulisya at komunidad, bilang hakbang tungo sa isang maayos at ligtas na Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrlwoman Karen Mallillin