Kalaboso ang isang lalaking suspek at nasamsam ng mga otoridad ang tinatayang Php2.8 milyong halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation sa kahabaan ng Valenzuela Street, Corner F Manalo, Barangay Batis, San Juan City bandang 12:30 ng madaling araw nito lamang Oktubre 9, 2024.
Kinilala ni Police Colonel Francis Allan M Reglos, Chief of Police ng San Juan City Police Station, ang suspek na si alyas “Bino”, 26 anyos, walang trabaho at kasalukuyang naninirahan sa No. 65, P Parada St., Barangay Sta. Lucia, San Juan City.
Naging matagumpay ang operasyon dahil sa pagsisikap ng mga tauhan ng San Juan City Station Drug Enforcement Unit sa pangunguna ni Police Major Jerry Boy A Napagal na nagresulta sa pagkakarekober mula sa suspek ang tinatayang walong pirasong heat-sealed transparent plastic sachets at apat na pirasong knot tied plastic bag ng pinaghihinalaang shabu na may bigat na 416.0 gramo na may Standard Drug Price na Php2,828.800 at isang pirasong Php500 bill bilang buy-bust money.
Kasong paglabag sa Article II ng Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002” ang kakaharapin ng suspek.
Patuloy ang San Juan City PNP sa maigting na kampanya kontra ilegal na droga na walang ibang dulot kundi ugat ng karahasan, krimen, at pagkasira ng magandang kinabukasan ng ating mga kabataan. Hinikayat din ni PCol Reglos ang mamamayan na makipagtulungan at isumbong sa kanilang himpilan ang mga ilegal na aktibidad para makamit ang isang payapa at maayos na komunidad.
Source: San Juan City Police Station
Panulat ni PSSg Grace Neville L Ortiz