Tuluyan nang winakasan ang pakikibaka at nagbalik-loob sa pamahalaan ang isang miyembro ng Underground Mass Organization sa himpilan ng 2nd Samar Provincial Mobile Force Company sa Barangay Pabanog, Paranas, Samar nito lamang Oktubre 08, 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Alex C Dang-Aoen, Force Commander ng 2nd Samar PMFC, ang nagbalik-loob na si alyas “Michael”, 29 anyos, magsasaka na residente ng Barangay Nawi, Paranas, Samar at miyembro ng Parag-uma, SRC-BROWSER.
Ang pagbabalik-loob ay resulta ng matagumpay na pagsisikap at panawagan ng pinagsamang mga tauhan ng 2nd Samar Provincial Mobile Force Company at Regional Intelligence Unit 8 kasama ang 802nd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 8.
Samantala, nakatanggap naman ang nagbalik-loob ng agarang tulong pinansyal at bigas mula sa mga kapulisan.
Ang nasabing surenderee ay nasa kustodiya ng 2nd Samar PMFC para sa facilitation at dokumentasyon ng kaniyang pagsasailalim sa programa ng ating gobyerno na Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP.
Ang pagbabalik-loob ng dating miyembro ng UGMO ay nagpapakita na ang ating gobyerno ay seryoso na wakasan na ang insurhensiya at terorismo sa bansa upang makamit ang isang bayan na ligtas, payapa, at maunlad tungo sa minimithi natin na Bagong Pilipinas. Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian