Muling umarangkada ang Revitalized Pulis sa Barangay ng mga tauhan ng Baler Police Station at nakiisa sa isang Regular Session kasama ang Barangay Council ng Barangay 1, 2, at Sabang ng Munisipalidad ng Baler nito lamang Lunes, ika- 7 ng Oktubre 2024.
Ang naturang aktibidad ay nilahukan ni PSSg Michelle Joy N. Rivares, Admin PNCO sa ilalim ng superbisyon ni Police Major Edgardo L Javar, Chief of Police, katuwang ang mga konsehal ng Barangay na pinamumunuan ng Punong Barangay ng 1, 2 at Barangay Sabang.
Tinalakay ang mga usapin ukol sa kapayapaan at kaayusan, kampanya laban sa kriminalidad sa walong pangunahing krimen, kampanya laban sa ilegal na droga, kampanya laban sa ilegal na pagsusugal, Oplan Katok, kamalayan sa anti-terorismo sa ELCAC, at Katarungang Pambarangay.
Ang regular na pakikipag-ugnayan ng mga Revitalized Pulis sa Barangay ay naglalayong masiguro ang kaligtasan at kapayapaan sa bawat komunidad.
Ito rin ay bahagi ng determinasyon ng PNP na mapalakas ang tiwala ng mamamayan sa kapulisan sa pamamagitan ng aktibong partisipasyon sa mga usapin na may kinalaman sa seguridad at kaligtasan.
Ang pangunahing layunin ng R-PSB ay ang mapabuti ang pakikipag-ugnayan ng kapulisan sa mga barangay at masolusyunan ang mga problema ng kriminalidad at iba pang isyung panlipunan.