Nasabat ang tinatayang Php360,000 halaga ng smuggled na sigarilyo sa ikinasang checkpoint operation ng mga awtoridad sa National Highway ng Purok 1, Barangay Tagolo, Sultan Naga Dimaporo, Lanao del Norte nito lamang ika-7 ng Oktubre 2024.
Kinilala ni Police Brigadier General Jaysen C De Guzman, Acting Regional Director ng Police Regional Office 10, ang suspek na si alyas “Brandon”, 26 anyos at residente ng Candido Drive Talon-talon, Zamboanga City.
Nasamsam ang mga smuggled cigarettes matapos maharang sa checkpoint operation ng 2nd Mobile Force Platoon ng 2nd Provincial Mobile Force Company – Lanao del Norte katuwang ang Sultan Naga Dimaporo Municipal Police Station; Special Operation Unit 5 at Lanao del Norte Maritime Police Station ang isang sasakyan na minamaneho ng suspek na may plate number ABM 9786 na napag-alaman na galing sa Picong, Lanao del Sur at patungo sa Zamboanga del Sur.
Sa naturang sasakyan ay nadiskubre ang 450 reams ng champion white cigarettes na nagkakahalaga ng nasa Php360,000.
“Patuloy ang PRO 10 sa pagpapalakas ng mga operasyon, partikular laban sa ilegal na kontrabando. Hindi natin pahihintulutan ang pagpasok ng ganitong uri ng ilegal na aktibidad sa ating rehiyon, lalo na kung makasasama ito sa ating komunidad at kabuhayan. Sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno, titiyakin natin na mananatiling ligtas at malaya ang Northern Mindanao mula sa anumang ilegal na gawain,” saad ni PBGen De Guzman.