Nakiisa ang Cagayan Police Provincial Office sa isang makabuluhang Alay Lakad at Clean-up Drive na naglalayong itaguyod ang kalusugan at kamalayan sa mga isyu ng kapaligiran bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Our Lady of the Holy Rosary na inorganisa ng San Jacinto Seminary sa Callao Cave, Peñablanca, Cagayan, nitong Sabado, ika-5 ng Oktubre, 2024.
Tinutukan ng mga kapulisan ng Cagayan sa pangunguna ni PCol Mardito G Anguluan, Provincial Director ng Cagayan PPO, ang pakikilahok sa naturang aktibidad katuwang si Hon. Manuel N. Mamba, Atty. Mabel V. Mamba, mga department head mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan, gayundin ang mga tauhan mula sa PNP Peñablanca, Tuao, at Tourist Police Unit, Philippine Coast Guard (PCG), at Local Government Unit (LGU) ng Peñablanca.
Ang lahat ng nakilahok ay sama-samang naglinis ng kalsada ng Tuguegarao City papuntang Peñablanca sa lalawigan ng Cagayan. Ang aktibong pakikipagtulungan ng lahat ay nagbigay inspirasyon sa iba na magtulungan sa pagpapabuti ng kanilang kapaligiran, at nagsilbing halimbawa ng responsibilidad sa bayan.
Ang pakikilahok ng Cagayan PNP ay hindi lamang isang simpleng gawain kundi isang hakbang tungo sa mas malalim na koneksyon sa mga mamamayan. Ang kanilang dedikasyon sa serbisyo publiko ay nagbigay ng inspirasyon sa lahat na maging bahagi ng pagbabago sa kanilang komunidad.
Panulat ni Pat Micah A Enriquez