Santiago City, Isabela (February 11, 2022) – Muling umarangkada ang Project Learning on Wheels ng All-Women City Mobile Force Company (CMFC) ng Santiago City Police Office sa Brgy. Victory Norte, Santiago City, Isabela noong Pebrero 11 ng taong kasalukuyan.
Ang proyekto ay pinamunuan ni Police Lieutenant Colonel Ednalyn Pamor, Force Commander ng CFMC.
Nagsagawa ng lecture ang mga kapulisan tungkol sa “Safe Touch vs. Bad Touch” at Republic Act 8353 o Anti-Rape Law of 1997 kung saan ang mobile patrol ang kanilang nagsilbing pisara.
Hangad ng proyekto na maturuan ang mga bata ng kanilang mga karapatan at mga magagandang aral na maaari nilang maging gabay sa kanilang paglaki.
Namigay din ng tsinelas at mga gamit sa eskwelahan sa mga batang nakilahok sa aktibidad.
Patuloy naman ang Pambansang Pulisya sa pagbuo at pagsulong ng mga proyekto upang mapalapit ang kalooban ng mga bata sa mga kapulisan.
#####
Panulat ni Pat Raymart Paul F Almondia, RPCADU2
Malasakit para sa lahat..salamat PNP