Nagsagawa ng School Visitation at Dialogue ang mga tauhan ng Valencia Municipal Police Station sa Valencia Central Elementary School, North Poblacion, Valencia, Negros Oriental nito lamang Oktubre 4, 2024.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Captain Antonio Q De Leon Jr., Officer-In-Charge ng Valencia MPS at dinaluhan ng mga mag-aaral at guro ng naturang paaralan.
Tampok sa aktibidad ang pagbibigay kaalaman ng kapulisan tungkol sa Drug and Terrorism Awareness Campaign, Republic Act 11313 (Safe Spaces Act), RA 8353 (The Anti-Rape Law of 1997), RA 9262 (Violence Against Women and their Children), at RA 10627 (The Anti-Bullying Act of 2013).
Ang naturang aktibidad ay kaugnay sa Teacher’s Day Celebration na siyang hangarin ang mapasaya ang mga guro at magbigay-pugay at pagkilala sa mahalagang papel na kanilang ginagampanan sa paghubog ng mga kabataan.
Mas pinaiigting pa rin ng kapulisan ang pakikipagtulungan at suporta sa pamayanan tungo sa isang mas ligtas na Bagong Pilipinas.
Source: Valencia PS Noppo
Panulat ni Patrolwoman Monica Wahing Labajo