Boluntaryong nagbalik-loob sa pamahalaan ang isang tagasuporta ng Communist Terrorist Group (CTG) sa mga tauhan ng Naga Municipal Police Station sa Barangay Tipan, Naga, Zamboanga Sibugay nito lamang Biyernes, ika-04 ng Oktubre 2024.
Kinilala ni Police Major Arnold A Espares, Acting Chief of Police, Naga MPS, ang sumuko na si alyas “Rey”, 30 anyos at residente ng Purok 5 Barangay Tipan Naga, Zamboanga Sibugay.
Si alyas “Rey” ay dating tagasuporta ng CTG sa ilalim ng RUC Western Mindanao Regional Party Committee, (WMPRC) at nagbalik-loob sa pamahalaan sa pagnanais na mamuhay ng maayos at tahimik kasama ang kanyang pamilya.
Ang matagumpay na pagbabalik-loob nito ay sa bunga ng pagsisikap ng PNP para pababain at hikayatin ang mga kababayang nalihis ng landas.
Sa ilalim ng programa ni Pangulong Marcos na naglalayong sugpuin ang insurhensiya, ang Pambansang Pulisya ay patuloy na hinihikayat ang mga natitira pang miyembro at tagasuporta ng CTG na magbalik-loob sa pamahalaan at samantalahin ang programa nitong E-CLIP o Enhanced Comprehensive Local Integration Program at magkaisa tungo sa isang Bagong Pilipinas.