Arestado ang isang lalaking estudyante na itinuturing na Top 10 Regional Most Wanted Person sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad sa Barangay Dansuli, Isulan, Sultan Kudarat nito lamang Oktubre 4, 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Julius R. Malcontento, Hepe ng Isulan Municipal Police Station, ang suspek na si alyas āJustinā, 19, studyante, at residente ng naturang lugar.
Bandang 7:40 ng gabi nang maaresto ang suspek sa pinagsanib na puwersa ng mga operatiba ng Isulan MPS, Sultan Kudarat Highway Patrol Team, Sultan Kudarat-CIDG, at 1st Sultan Kudarat Provincial Mobile Force Company sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong New Anti-Carnapping Act (RA 10883) na walang rekomendadong piyansa.
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy sa mandato na ipatupad ang batas at siguraduhin ang kaligtasan ng mamamayan.