Arestado ng mga operatiba ng Governor Generoso Municipal Police Station ang Top 5 Provincial Most Wanted Person sa Purok 2, Barangay Poblacion, Governor Generoso, Davao Oriental nito lamang umaga ng Biyernes, ika-4 ng Oktubre, 2024.
Kinilala ni Police Captain Joeffre Q Narido, Officer-In-Charge ng Governor Generoso MPS, ang suspek na si alyas “Jorge”, 58 anyos, isang magsasaka at residente ng nasabing lugar.
Ang suspek ay naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest na inihain ng nasabing istasyon katuwang ang CIDG Davao Oriental Provincial Field Unit at mahaharap sa kasong Statutory Rape na walang piyansang inirekomenda.
Patuloy namang nagsagawa ng Manhunt Charlie Operation ang mga tauhan ng Police Regional Office 11 upang mahuli ang lahat ng wanted persons sa Rehiyon Onse.
Panulat ni Patrolwoman Shairra Rose A Aquino