Arestado ang isang High Value Individual sa buy-bust operation na isinagawa ng pinagsanib na operasyon ng PDEU Cavite PPO, PDEA Cavite at Imus PNP sa Barangay Palico 4, Imus City, Cavite, bandang 3:30 ng hapon, noong Oktubre 1, 2024.
Kinilala ni PLtCol Chester Noel Borlongan, Chief, Provincial Intelligence Unit, ang naarestong indibidwal na si alyas “Harold”, 23 anyos, residente ng Barangay Malagasang 1D, Imus City, Cavite, at nakalista bilang High Value Individual.
Nakumpiska mula sa suspek ang humigit kumulang na 22 gramo ng hinihinalang shabu, na may tinatayang Standard Drug Price na Php149,600.
Inihahanda na ngayon ang kasong kriminal laban sa naarestong suspek, habang ang mga nasamsam na piraso ng ebidensya na isinumite sa Cavite PFU para sa chemical examination.
Pinuri naman ni Police Colonel Eleuterio M Ricardo, Jr, Provincial Director ng Cavite PPO ang kapulisan sa likod ng tagumpay ng naturang operasyon, “Ang makabuluhang accomplishment na ito ay bunga ng kolektibong pagsisikap ng Cavite PNP at ng komunidad. Pinaigting ng Cavite police ang kampanya laban sa ilegal na droga upang mapanatili ang isang mapayapa at maayos na lalawigan at puksain ang anumang banta ng droga.”
Source: Cavite PNP-PIO
Panulat ni Pat Maria Sarah P Bernales