Tinatayang Php27 milyong halaga ng marijuana ang nadiskubre ng PNP at PDEA sa Mount Balitoc, Saclit, Sadanga, Mt. Province nito lamang ika-01 ng Oktubre 2024.
Ayon kay Police Colonel Sibly P Dawiguey, Provincial Director ng Mt. Province Police Provincial Office, matagumpay ang operasyon dahil sa pinagsanib pwersa ng mga operatiba sa pangunguna ng Sadanga Municipal Police Station katuwang ang 2nd Provincial Mobile Force Company, Provincial Intelligence Unit / Provincial Drug Enforcement Unit Mt. Province Police Provincial Office; Regional Intelligence Unit-14; at Philippine Drug Enforcement Agency – Cordillera Administrative Region.
Nagresulta ang operasyon sa pagkatuklas ng isang plantasyon ng marijuana sa isang communal na kagubatan na may sukat na 3,000 square meters at may nakatanim na humigit-kumulang 75,000 piraso ng Fully Grown Marijuana Plants at pagkadiskubre ng humigit-kumulang 100,000 gramo ng tuyong dahon ng marijuana na may bunga at may kabuuang halaga na Php27,000,000 Standard Drug Price.
Bagamat walang nahuling cultivator, binunot at sinunog ng mga operatiba ang pinagbabawal na tanim sa mismong lugar.
Ang matagumpay na operasyon ng pulisya at PDEA ay patunay na kaisa sa pagpapaigting ng kampanya kontra ilegal na droga bilang pagsuporta sa adhikain ng administrasyon para sa isang mas mapayapang Bagong Pilipinas.