Nakumpiska ang tinatayang Php476,000 halaga ng hinihinalang shabu sa isang High Value Individual sa operasyon na ikinasa ng Bacolod City Police Office (BCPO) Drug Enforcement Unit sa Barangay Tangub, Bacolod City, bandang 7:58 ng gabi, ika-30 ng Setyembre 2024.
Kinilala ang nadakip na suspek na si alyas “Negro,” 31 taong gulang, residente ng Barangay Tangub, Bacolod City, at tinukoy bilang isang High Value Individual (HVI).
Narekober mula sa suspek ang pitong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na 70 gramo na nagkakahalaga ng tinatayang Php476,000.
Ang suspek ay sasampahan ng kaso sa ilalim ng Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Pinuri ni Police Brigadier General Jack L Wanky, Regional Director ng Police Regional Office 6, ang mga operatiba ng BCPO Drug Enforcement Unit sa kanilang patuloy at walang sawang pagsisikap sa paglaban kontra ilegal na droga.
“Keep up the good work and I urge you to maintain our connection with the members of the community. They are our formidable partner in this campaign”, saad pa ni PBGen Wanky.
Ang matagumpay na operasyon na ito ay patunay ng walang humpay na pagsusumikap ng mga tauhan ng Bacolod City Police Office na sugpuin ang ilegal na droga sa kanilang nasasakupan.
Source: K5 News FM Negros Occidental
Panulat ni Pat Ledilyn Bansagon