Tinatayang Php510,000 halaga ng ilegal na droga ang nasamsam sa ikinasang joint buy-bust operation ng mga otoridad sa Barangay Gusa, Cagayan de Oro City nito lamang Oktubre 1, 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Demver M Vergara, Hepe ng Regional Police Drug Enforcement Unit 10, ang drug suspek na si alyas “Jason”, 42 anyos, residente ng nasabing lugar.
Nadakip ang drug suspek sa ikinasang joint buy-bust operation ng mga operatiba ng Regional Police Drug Enforcement Unit 10 kasama ang Regional Intelligence Unit Division 10, Cagayan de Oro City Police Station 5; Regional Intelligence Unit 10; PNP Drug Enforcement Unit 10 at PDEA 10.
Sa operasyon ay nakumpiska ang 18 na pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na 75 na gramo at may Standard Drug Price na Php510,000; isang digital weighing scale; tatlong zip locks; isang black sling bag at Php500 bill na ginamit bilang buy-bust money.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Pinuri naman ni PBGen Jaysen C De Guzman, Acting Regional Director ng PRO 10, ang operating units para sa matagumpay na operasyon, “We will never let up our campaign against illegal drugs. We assure the public that PRO 10, in coordination with other law enforcement agencies, will continue to arrest illegal drug peddlers until they are placed behind bars. I urge everyone to help us by informing us their illegal activities.”