Sunday, November 24, 2024

MILF Battalion Commander arestado ng PNP CIDG; matataas na kalibre ng baril at bala nakumpiska

Arestado ang tinaguriang Moro Islamic Liberation Front Battalion Commander at nakumpiska ng mga awtoridad ang matataas na kalibre ng baril at bala sa MSU Compound, Barangay Cadayonan II, Marawi City, Lanao Del Sur nito lamang ika-30 ng Setyembre 2024.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Ariel T Huesca, Regional Chief ng Criminal Investigation and Detection Group – Regional Field Unit BAR, ang suspek na si alyas “Ariong”, 32 anyos, MILF Battalion Commander ng 125th Based Command, residente ng naturang lugar.

Bandang 5:30 ng hapon nang ikasa ang Oplan Panlalansag-Omega ng mga operatiba ng CIDG Lanao del Sur – Provincial Field Unit katuwang ang CIDG Maguindanao PFU, Provincial Intelligence Team LDS PPO, 1402nd Mobile Force Company, Regional Mobile Force Battalion, Marawi City Police Station na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Nakumpiska mula sa suspek ang isang yunit ng M16 A1, isang yunit ng pistol cal.45, anim na piraso ng magazine ng M16 A1, dalawang magazine ng cal.45, 100 piraso ng bala ng M16 A1, 12 piraso ng bala ng cal.45, isang bandolier, anim na ID Card, 199,000 na boodle money bilang buy-bust money.

Ang naarestong suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa Seksyon 32 at 28 ng Republic Act 10591 o “Unlawful Sale of Firearms and Ammunition, and Unlawful Possession of Firearms and Ammunition”.

Patuloy naman ang Lanao del Sur PNP na mas lalong paiigtingin ang sinumpaang tungkulin kontra kriminalidad upang makamit ang maayos at maunlad na Bagong Pilipinas.

Panulat ni Patrolwoman Ma. Señora Agbuya

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles