Tuesday, November 26, 2024

PNP, muling bubuksan ang 2020 slay case ni ex-PCSO Board Sec. Barayuga

Muling bubuksan ng Philippine National Police ang imbestigasyon sa pagpaslang sa retiradong heneral at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) board secretary na si Wesley Barayuga noong 2020 nang nalaman ang mga bagong detalye na kasangkot ang ilang matataas na opisyal.

Binigyang-diin ni Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo sa press briefing na ginanap sa Kampo Krame noong Setyembre 30, 2024 ang utos ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil hinggil sa muling pagsisiyasat sa pagpatay kay Barayuga bilang tugon sa testimonya ni Lt. Col. Santie Mendoza kabilang na ang mga personalidad na may maaaring kinalaman sa pagpatay sa retiradong pulis.

“Nag-utos na po ang Chief PNP upang buksan ito pong kaso ni dating PCSO Board Secretary Atty. Gen. Wesley Barayuga. This is an off-shoot nung mga revelations po during the quad committee hearing wherein ang isa pong active na pulis na si Lt. Col. Santie Mendoza has revealed some information regarding his knowledge allegedly doon po sa ginawang pagpatay po implicating the names of former PCSO General Manager Royina Garma at National Police Commission (NAPOLCOM) Commissioner Edilberto Leonardo,” saad ni PCol Fajardo.

Nasabi din ni PCol Fajardo na si Mendoza na nagdawit sa dating PCSO General Manager ay tinanggal sa kanyang puwesto sa PNP Drug Enforcement Group (PDEG) at na-reassigned sa Personnel Holding at Accounting Unit sa Kampo Krame para matiyak ang kanyang seguridad para sa isasagawang imbestigasyon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

“(He is) under restrictive custody to ensure his appearance in the investigation and, of course, to secure him,” sabi pa ni PNP Spokesperson Fajardo sa news briefing.

Si Mendoza ay nagbigay ng testimonya sa isang pagdinig ng house quad committee noong Setyembre 27 nang i-tag niya sina Garma at National Police Commission (NAPOLCOM) Commissioner Edilberto Leonardo bilang mga taong nag-orkestra sa pagpatay kay Barayuga sa Mandaluyong City noong Hulyo 2020.

Sisiguraduhin din ng PNP ang seguridad ni Nelson Mariano, isang dating Police Corporal na sinabi ni Mendoza na kinontak niya para sa pagre-recruit sa mga umano’y assassin para sa hit job kay Barayuga.

Ang PNP ay hindi magdadalawang-isip na magsampa ng mga kaso laban sa mga taong naging bahagi ng pagpatay kay Barayuga, kahit na sila ay mga opisyal na mas mataas ang ranggo kaysa kina Garma at Leonardo.

Sa panulat ni Tintin

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles