Hindi alintana ng mga tauhan ng Batac City PNP ang matinding pag-ulan at malakas na hangin na dulot ng Bagyong Julian upang isagawa ang rescue and evacuation ang mga residenteng apektado ng bagyo nito lamang Setyembre 30, 2024.
Sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Jayson R Batuyong, Officer-In-Charge ng Batac City PNP, naging maparaan ang kapulisan upang maiabot ang tulong na kinakailangan ng mamamayan sa gitna ng kalamidad.
Katuwang ng kapulisan ng Batac City sa pagbigay tulong ang mga residenteng kusang loob na nakiisa sa rescue and evacuation operation at iba pang ahensya ng gobyerno tulad ng Bureau of Fire and Protection.
Samantala, patuloy naman ang pagsusumikap ng Batac City PNP upang masiguradong ligtas ang lahat ng residente.
Source: City of Batac Police Station
Panulat ni Patrolman Viljon Anthony A Comilang