Monday, September 30, 2024

Search Warrant Operation, humantong sa pag-aresto sa isang indibidwal sa Palawan

Arestado ang isang indibidwal matapos makumpiska sa pag-aari nito ang mga ilegal na mga pampasabog sa Search Warrant operation ng pulisya sa Barangay Marangas, Bataraza, Palawan nito lamang ika-27 ng Setyembre 2024.

Ang operasyon ay pinangunahan ng mga tauhan mula sa 2nd Special Operations Unit – Maritime Group (2nd SOU-MG) kasama ang Bataraza Municipal Police Station at Palawan Provincial Explosive and Canine Unit (PECU).

Kinilala ang supek na si alyas “Abubakar,” na dinakip sa paglabag sa Republic Act 9516 o sa ilegal na pagmamay-ari at paghawak ng mga pampasabog.

Nakumpiska sa naarestong suspek ang mga materyales na ginamit sa ilegal na pangingisda tulad ng dalawang (2) sako (25 kg bawat isa) ng ammonium nitrate, apatnapu’t tatlong (43) pakete (1 kg bawat isa) ng ammonium nitrate, animnapu’t pitong (67) piraso ng blasting cap, dalawang (2) roll ng time fuse, at dalawang (2) timbangan.

Ang mga materyales na ito ay karaniwang ginagamit sa mga ilegal at mapanirang paraan ng pangingisda, ay nagdudulot ng malaking banta sa marine ecosystem at biodiversity. Ito rin ay maaaring gamitin upang gumawa ng Improvised Explosive Device (IED), na nagbabanta sa parehong buhay at ari-arian.

Ang PNP ay nananatiling matatag sa pangako nitong protektahan ang komunidad sa baybayin mula sa mga panganib ng ilegal na pangingisda, gayundin ang pangangalaga sa kaligtasan ng publiko sa pamamagitan ng pagpigil sa mga sangkap ng paputok na ito na mahulog sa mga kamay ng mga terorista o kriminal na grupo.

Source: Palawan Maritime Pulis Sou II

Panulat ni Patrolwoman Ana Rose D Guadaña

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,270SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles