Nakiisa ang mga tauhan ng 1403rd Regional Mobile Force Battalion 14-B sa pamumuno ni Police Major Ferick Jay G Comafay, Company Commander sa idinaos na tree planting activity sa Sitio Marta, Brgy. Bulingan, Lamitan City, Basilan nito lamang ika-26 ng Setyembre 2024.


Ang aktibidad ay pinangunahan ng Lamitan City Tourism katuwang ang Lamitan City Environment and Natural Resources Office.
Ang aktibidad ay isinagawa kaugnay sa National Tourism Week na may temang “Tourism and Community Development” na naglalayong makapagtanim ng mga puno upang protektahan ang kalikasan at isulong ang pangmatagalang kaligtasan ng komunidad.
Ang pakikilahok ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ay nagpapakita ng pagkakaisa at responsibilidad sa mga programang pangkapaligiran para sa positibong epekto na magagamit sa susunod na henerasyon.