Davao City (February 10, 2022) – Arestado ang isang babae matapos tangkaing magpuslit ng ilegal na droga sa pamamagitan ng “loaf bread” sa Mandug, Davao City noong Pebrero 10, 2022.
Ayon sa report, magbibigay sana ng pagkain ang suspek sa kanyang kaibigang nakakulong sa Mandug Police Station ngunit matapos itong dumaan sa inspeksyon ay nakita ng duty jailer na ang ilegal na droga ay nakalagay sa gitna ng “loaf bread” kasama ang iba pang personal na kagamitan.
Kinilala ang arestadong suspek na si Jennifer, 27 taong gulang. Nakuha mula sa kanya ang isang (1) pirasong sachet ng hinihinalang shabu na may halagang Php48,000 at may timbang na tatlong (3) gramo, isang (1) foil paper na pinaniniwalaang drug paraphernalia, at isang (1) Nokia Mobile Phone.
Nasa kustodiya na ng naturang Police Station ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165, Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) at Section 12 (Possession of Equipment, Instrument, Apparatus and Other Paraphernalia for Dangerous Drugs).
“The apprehension of the suspect is a manifestation that this office practices a proper and strict inspection of all food and personal belongings delivered by the loved ones of our detainees, we intensify the fight against illegal drugs and that it will not get through nor infiltrate especially in our detention cells”, ani PMaj Robel Saavedra, Station Commander.
####
Panulat ni PCpl Romulo Cleve Ortenero
Nice naman good job po sa mga pulisya natin