Arestado ang isang dating rebelde sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Malaybalay City, Bukidnon nito lamang ika-22 ng Setyembre 2024.
Kinilala ni Police Colonel Jovit Culaway, Provincial Director ng Bukidnon Police Provincial Office, ang dating rebelde na si alyas “Porpor”, 50 taong gulang, magsasaka, at residente ng Quezon, Bukidnon.
Nabatid na ang nadakip ay isang Commanding Officer ng SPP5 sa ilalim ng nabuwag na Guerilla Front 6, Sub-Regional Command 2 ng North Central Mindanao Committee.
Nadakip ang akusado sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Murder, Frustrated Murder at Multiple Attempted Murder sa pagtutulungan ng mga operatiba ng 1st Bukidnon Provincial Mobile Force Company, Malaybalay City Police Station, at Bukidnon Provincial Intelligence Unit.
Ang Pambansang Pulisya ay hindi titigil sa pagsagupa ng anumang krimen para sa seguridad at kaligtasan ng ating komunidad.