Nasabat ang tinatayang Php30 milyong halaga ng smuggled cigarettes sa baybayin ng Davao City nito lamang Setyembre 24, 2024.
Nabatid na tinatayang nasa 800 reams ng iba’t ibang brand ng sigarilyo ang nakumpiska na nagkakahalaga ng Php30 milyon.
Ang 11 na crew ng motorized na bangka ay nagmula sa Basilan ngunit ang mga sigarilyo ay nagmula sa Julu, Sulu at nakatakdang ipadala sa Panabo City.
Patuloy ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan katuwang ang PNP sa pagsupil sa mga ilegal na aktibidad sa pagpuslit ng sigarilyo sa ating pamayanan.