Saturday, September 28, 2024

Patrolman Muñoz ng PRO 9, pasok sa Top 10 ng Singing Cops of the Philippines: Pamilya ang inspiration sa pagkanta

Si Patrolman Nelito James R. Muñoz ng Police Regional Office 9 ay isa sa mga pulis na patuloy na nagbibigay inspirasyon sa kanyang komunidad matapos mapabilang sa Top 10 finalist ng Singing Cops of the Philippines 2024.

Kilala hindi lamang sa kanyang tungkulin bilang pulis, kundi pati na rin sa kanyang husay sa pagkanta, lalo na sa mga contests na kanyang sinasalihan.

Apat na taon nang nasa serbisyo si Patrolman Muñoz at mula pa noon, ay kinilala na siya bilang mahusay na mang-aawit.

Bukod sa paglilingkod sa bayan, isa ring mapagmahal na asawa si Muñoz sa kanyang kabiyak.

Ang kanyang pamilya, ang nagsisilbing kanyang inspirasyon sa pag-abot ng mga pangarap, partikular na sa larangan ng musika.

“Ang aking pamilya, lalo na ang aking asawa, ang nagtutulak sa akin na patuloy na magsikap. Sa bawat kanta na aking inaawit, iniisip ko sila,” ani Muñoz.

Bago pa siya maging ganap na isang tapat na pulis, madalas din siyang sumasali sa mga patimpalak sa paaralan nung siya ay estudyante pa lamang kung saan siya ay palaging inaabangan dahil sa kanyang natatanging boses.

Ang pagsali niya sa Singing Cops of the Philippines 2024 ay isang hakbang tungo sa mas malaking entablado, kung saan ipinapakita niya ang ibang aspeto ng kanyang pagkatao—isang talentadong pulis na may puso para sa musika at sa serbisyo publiko.

Ngayong bahagi siya ng Top 10 Finalist, buong dedikasyon na ipinagpapatuloy ni Patrolman Muñoz ang kanyang laban, dala-dala ang pagmamahal ng kanyang pamilya at suporta ng kanyang komunidad.

Panulat ni Patrolwoman Joyce Franco

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,260SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles