Cagayan de Oro City (February 9, 2022) – Inilunsad noong Pebrero 9, 2022 ng Police Regional Office 10 ang SAFE National and Local Elections 2022 “Kasimbayanan” campaign para matiyak ang ligtas at mapayapang halalan sa Hilagang Mindanao.
Tiniyak ni PRO 10 Regional Director, Police Brigadier General Benjamin Acorda, Jr., na patuloy na magbabantay ang PNP at magpapatupad ng batas para sa seguridad sa darating na halalan.
Dumalo ang mga sektor at ahensya ng gobyerno tulad ng AFP, PCG, COMELEC, DEP-ED, NAPOLCOM, NAMFREL, PPCRV, KKDAT Leaders, PAF at mga Advocacy Support Groups sa aktibidad.
Nagsimula ang programa sa pag-aalay ng inter-faith prayer ng mga religious leaders at sinundan ng pambungad na pananalita ni Police Brigadier General Ronaldo Cabral, DRDA, PRO10. Sinundan ito ng mensahe ng pakikiisa mula kina Bishop Jose A Cabantan, Archbishop ng Cagayan de Oro City; Imam Sheikh Aliasa M Alinog, President ng United Ulama ng Region 10; at si Pastor Abraham A Candia, bilang representante ng Covenant Baptist Church.
Nakiisa rin sa aktibidad at nagbigay ng mensahe sina Regional Election Director na si Atty. Francisco G Pobe; Fr. Saturnino S Lumba, Head Parish Pastoral Council for Responsible Voting; at BGen Wilbur C Mamawag, Commander, 4ID, Philippine Army na kinatawan ni Police Colonel Joel Paloma.
Pinangunahan naman nina Dr. Elena T Trañeses, President ng Touch-a-Life Foundation; Imam Sheikh Aliasa M Alinog at Bishop Jose A Cabantan ang benediction ng religious leaders.
Sa mensahe ni PBGen Acorda, Jr., binigyang diin niya na ang buong hanay ng Police Regional Office 10 ay pananatilihin ang tiwala at kumpiyansa ng buong rehiyon sa PNP. Mananatiling non-partisan at katuwang ng mga religious sector at community leaders para ipatupad ang sinumpaang tungkulin, batas at higit sa lahat ang malinis at mapayapang halalan 2022.
####
NUP Sheena Lyn M Palconite, RPCADU 10
Galing naman para sa ligtas na halalan salamat sa PNP