Cebu City (February 9, 2022) – Nahuli ang Most Wanted Person ng Cebu City sa isinagawang operasyon ng Cebu City Mobile Force Company noong ika-9 ng Pebrero 2022 sa Brgy Kalunasan, Cebu City.
Sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ni Presiding Judge Van Russel Inopiquez, Regional Trial Court, 7th Judicial Region, Branch 22, Cebu City ang akusado ay hindi nakawala sa mga awtoridad ng Cebu City Mobile Force Company sa pangunguna ni PLtCol Chuck Maghanoy Barandog, Force Commander.
Ang suspek ay kinilalang si Jefferson Arma Villanueva a.k.a. Jefy, 39 taong gulang, binata, residente ng Sitio Tambis, Banawa, Guadalupe, Cebu.
Si Villanueva ay may kasong paglabag sa Section 5 (i) ng RA 9262 na mas kilala bilang Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004 at kasalukuyang nakakulong sa Cebu City Jail.
####
Panulat ni Patrolman Edmersan Llapitan
Husay talaga ng mga kapulisan salamat