Nakilahok ang mga tauhan ng Tubay Municipal Police Station sa isinagawang Simultaneous Coastal Clean-up Drive na ginanap sa baybaying dagat ng La Fraternidad Tubay, Agusan del Norte bandang 6:00 ng umaga nito lamang Setyembre 21, 2024.
Pinangunahan ni Police Executive Master Sergeant Bebiano S Calo Jr., MESPO, sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Major Lizandro T Leopardas, Officer-In-Charge, ang nasabing aktibidad katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at mga grupo ng mga kabataan na boluntaryong lumahok sa nasabing aktibidad.
Ang nasabing kaganapan ay may temang “Clean seas for blue economy! Let’s address marine pollution” na inisyatibo ng Community Environment and Natural Resources (CENRO) Tubay na naglalayong mapanatili ang kalinisan at kaayusan sa mga baybaying dagat.
Ang matagumpay na kaganapan ay nagresulta sa pagkakolekta ng kabuuang 17 sako ng biodegradable at non-biodegradable na basura.
Ang nasabing aktibidad ay naglalayong pataasin ang kamalayan at suporta ng mamamayan para sa proteksyon ng ating kapaligiran saan mang sulok ng bansa.
Kaisa ang buong hanay ng PNP CARAGA at ibang ahensa ng pamahalaan ng Rehiyon Xlll para isulong ang kapayapaan at kalinisan alinsunod sa Core Values ng PNP sa ilalim ng “Makakalikasan”.
Panulat ni Patrolwoman Karen A Mallillin