Sagay City, Negros Occidental (February 10, 2022) – Boluntaryong sumuko ang tatlong (3) miyembro ng New People’s Army (NPA) sa mga tauhan ng PNP Special Action Force (SAF) sa Poblacion II, Sagay City, Negros Occidental nito lamang ika-10 ng Pebrero 2022 ng hapon.
Ang mga sumukong NPA na kinilalang sina Ka Aiza, Ka Mike at Ka Allan (di nila totoong pangalan) ay sinamahan ni PLtCol Jonel Guadalupe, Chief of Police ng Sagay City Police Station na tumungo at kusang sumuko sa 6th Special Action Battalion (PNP SAF), at kasabay nilang isinuko ang kanilang mga armas at ito ay pormal na tinanggap ni PLtCol Ryan Manongdo, 6th SAB Battalion Commander.
Si Ka Allan, ay miyembro ng North Negros Front (NNF) ng Regional Committee- Negros, Cebu, Bohol at Siquijor (KR-NCBS). Samantala, sina Ka Mike at Ka Aiza naman ay mga aktibong miyembro ng South-West Front (SWF) ng Regional Committee – Negros, Cebu, Bohol, at Siquijor (KR-NCBS).
Sumuko ang mga ito sa kadahilanang gusto na nilang mamuhay ng normal at tahimik kasama ang kani-kanilang mga pamilya. Dagdag pa ni Ka Allan, pagod na siyang makipaglaban sa maling pakikibaka.
Ang mga sumukong rebelde ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng 6th Special Action Battalion at tinulungang maproseso ang mga benepisyo na kanilang matatanggap mula sa ating pamahalaan sa ilalim ng programa na Enhanced Community Local Integration Program (E-CLIP).
Ang matagumpay na pagsuko ng mga rebelde ay dahil sa patuloy na sinasagawang Counter White Area Operations (CWAO) ng 6SAB ng PNP SAF na naglalayong iparating sa komunidad ang malinis na intensyon ng pamahalaan para sa mga kapatiran nating lubos na naimpluwensiyahan ng mga teroristang bandido.
Hinimok pa ni PLtCol Manongdo ang lahat na wag matakot lumapit sa pamahalaan, aniya, “We are happy that they finally decided to submit themselves to the government and embraced the idea of living a normal and peaceful lives. We assure the three individuals and their families that we will do everything on our capacity to help them improve their lives through the different programs of the government. I hope their surrender will inspire the other members of the terrorist groups to lay down their arms, submit to the government and embrace the peace that we all desire.”
####
Panulat ni Pat Kher D Bargamento
Sana all sumuko na, ang PNP ang may tapat n malasakit sa inyo