Boluntaryong sumuko ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa mga operatiba ng Abra Police Provincial Office noong Setyembre 20, 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Elpidio Paleng Pagoy, Acting Force Commander ng 1st Abra Provincial Mobile Force Company, ang sumuko bilang 56 taong gulang, may asawa, magsasaka, at residente ng Sitio Kirmay, Barangay San Marcial, San Isidro, Abra.
Naging matagumpay ang pagsuko dahil sa puspusang pagsisikap ng mga operatiba sa pangunguna ng 1st Abra PMFC, Cluster 7, RMFB 15 1504th Maneuver Company, Regional Intelligence Unit 14, Regional Intelligence Division, at Provincial Intelligence Unit – Abra.
Kasabay sa kanyang pagsuko ay ang pagturn-over nito sa pulisya ng isang homemade 12 Gauge shotgun na walang serial number at bala.
Patuloy pa rin ang panawagan ng pamahalaan na magbalik-loob ang iba pang miyembro ng Communist Terrorist Group upang makapiling muli ang kanilang pamilya para sa pangkalahatan at pangmatagalang kapayapaan ng Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Melanie Amoyong