Caloocan City (February 10, 2022) – Arestado sa isinagawang manhunt operation ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) ang Top 5 Most Wanted Person ng Leyte Police Provincial Office (PPO) sa Bagong Silang, Caloocan City noong Pebrero 10, 2022.
Ang operasyon ay pinangunahan ni Police Lieutenant Jay Dimaandal, Chief, District Special Operation Unit (DSOU) matapos makatanggap ng tip sa isang mamamayan ng barangay.
Kinilala ang suspek na si Bernardo Ligtas, 56 anyos, tubong Leyte, construction worker at residente ng San Fernando, Pampanga.
Naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Hon. Hukom Jose II Mijares ng Regional Trial Court (RTC) Branch 26, San Juan, Southern Leyte 8th Judicial Region na may petsang 24 Setyembre 1998 para sa kasong pagpatay na walang piyansa.
Ang kanyang pag-aresto ay humantong din sa pagkatuklas ng isa pang warrant laban sa kanya para sa kasong robbery with homicide na inilabas noong 2 Hunyo 2018 ni Hon. Judge Carlos Arguelles ng RTC Branch 10, 8th Judicial Region, Abuyog, Leyte at walang ring inirekomendang piyansa.
Habang nagtatago, sumama umano ang suspek sa Limos Group na sangkot sa carnapping at motornapping sa Metro Manila at mga karatig probinsya.
Ipagpapatuloy ng Pambansang Pulisya ang mga ganitong operation para mapanagot ang lahat ng mga nagkasala sa batas saan mang dako sila naroroon.
Source: Tribune Newspaper
####
Panulat ni Patrolwoman Nica V Segaya, RPCADU NCR
Galing naman ng mga kapulisan salamat