Top 6 Southern Police District Most Wanted Person, arestado sa Cavite

0
470

Arestado ang tinaguriang Top 6 Most Wanted Person ng Southern Police District sa Barangay Sampaloc 2, Sitio Malinta, DasmariƱas, Cavite nito lamang Biyernes, Setyembre 20, 2024.

Kinilala ni Police Brigadier General Leon Victor Z Rosete, District Director ng SPD, ang suspek na si alyas na “Junbert”, 26 anyos, isang construction worker.

Nadakip si alyas “Junbert” dakong 4:50 ng madaling araw ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section ng ParaƱaque City Police Station.

Isinilbi sa suspek ang Warrant of Arrest para sa sentensiya sa serbisyo na may kaugnayan sa kasong panggagahasa (RPC Art. 266 Paragraph 2).

Ang SPD ay patuloy ang pagsasagawa ng manhunt operations upang mapanagot sa batas ang lahat ng nagkasala at maibigay ang nararapat na hustisya para sa kanilang mga naging biktima.

Source: SPD PIO

Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos